advertisement
Wala namang masama at normal naman daw sa mga tao ang ganitong gawain, chika ng mga YesPren. Ang hindi raw normal ay 'yung ginagawang hanapbuhay ang paninira ng ibang buhay at pagsasapubliko ng mga private information ng mga tao.
"These girls don't deserve the hate and mistreatment they're facing," 'yan na lang ang nai-tweet ng isang fan dahil hindi raw nila deserve ito. "This guy has crossed far too many boundaries" naman ang nasabi ng isa.
Hamon ngayon ng Blooms, umuwi si Xian at harapin ang mga kasong idinudugtong sa pangalan niya.
Wala pang kasunod na post ang "Pambansang Marites ng Pilipinas" at naka-limit din ang comment section ng mismong post. 
Xian Gaza, binatikos dahil sa "bastos" na post tungkol sa BINI
Matapos ang pangunguna diumano ni Chistian Albert Gaza o mas kilala bilalang Xian Gaza sa pagbubunyag ng pagbubuntis ni Bea Borres, target locked naman daw niya ang P-Pop group na BINI. Sa kaniyang Facebook page, nag-post si Xian tungkol sa pagiging mahilig daw ng isang member ng grupo sa pakikipagtalik.
