Copyright ©2026 Yes FM
Xian Gaza, may open letter para kina Awra Briguela at Apple David!
Xian Gaza, may open letter para kina Awra Briguela at Apple David!
August 11, 2026

May nasabi si Christian Albert Gaza para kina Awra Briguela at Apple David habang patuloy na pinag-uusapan online ang mga issue at bashing na involved ang dalawa.

Sa kanyang mensahe para kay Apple, nagbigay si Xian ng kanyang thoughts tungkol sa pag-po-post tungkol sa mga mas batang involved sa issue. Ayon sa kanya, kung ayaw umanong mapasama o ma-public ang buhay ng isang mas batang tao, mas okay raw na huwag na itong isama sa mga post at keep things private.

advertisement

May advice din siya tungkol sa pag-call out online. Para kay Xian, hindi lahat ng problema ay kailangang i-post sa social media. Kung may kailangang pag-usapan, puwede naman daw itong ayusin nang diretsahan at pribado kaysa mas lumaki pa ang issue online.

At siyempre, hindi rin nakaligtas si Awra sa open letter. Sinabi ni Xian na hindi raw lahat ng pumupuna kay Awra ay dahil sa dati niyang issue. May mga taong mag-co-comment at magbibigay ng opinion dahil public figure siya, kaya kailangan din daw niyang matutong humarap sa criticism.

Mas naging kapansin-pansin naman ang kanyang sinabi tungkol sa outfit at appearance ni Awra. Nagbigay si Xian ng sariling opinion tungkol sa pananamit nito at kinumpara pa ang kanyang style kina Boy Abunda at Ogie Diaz, na para sa kanya ay mas “appropriate” manamit.

Nasabi din ni Xian ang tungkol sa self-acceptance. Kung gusto raw nating tanggap tayo ng ibang tao, kailangan din daw nating matutong tanggapin ang sarili natin. Pero para sa kanya, hindi rin naman kailangang mag-adjust ang lahat para lang maging comfortable ang isang tao.

Nabanggit din ni Xian ang tungkol sa online bashing at sa posibilidad ng legal action laban sa ilang critics. Matapos lumabas ang kanyang open letter, naging mainit ito online at nagkaroon ng iba't ibang reactions mula sa netizens!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...