Uy, lumaban ang YARA, matapang!
Uy, lumaban ang YARA, matapang, aw!
Tama nga naman. Laban-laban dahil hindi tayo pinalaki ng The SexBomb Girls para bumawi! Early 2000s pa noong sumikat ang all-female singing and dancing group na ito, pero hanggang ngayon ay mabenta pa rin sila kahit sa Gen Zs!
Sa katunayan, binigyang-pugay ng YARA ang The SexBomb Girls sa pamamagitan ng pag-revive ng classic hit nilang ‘Bakit Papa?’ In fairness, kahit sila, marunong rumespeto sa OGs!
Papayag ba naman ang P-Pop girl group na ito na walang pakulo para sa CoCoons? Tulad ng original version, sensual at sultry pa rin ang feels at choreography, pero ang pinagkaiba, contemporary R&B ang atake ng new version na co-produced ng hitmaker na si Thyro Alfaro!
Mula sa styling, choreography, promotional strategies, hanggang material execution, hands-on talaga sina Gelou, Rocher, Christa, at Kim para masigurong young and fresh ang resulta nito!

