Copyright ©2026 Yes FM
Yen Santos at Chavit Singson, nagsalita na tungkol sa isyu ng kanilang “love child”
Yen Santos at Chavit Singson, nagsalita na tungkol sa isyu ng kanilang “love child”
August 29, 2025

Matapos ang mahigit isang dekadang tsismis, tuluyan nang binasag nina Yen Santos at Chavit Singson ang katahimikan tungkol sa isyung may “love child” umano sila.

Sa vlog na inilabas ng aktres noong August 27, diretsahang tinanong ni Yen si Chavit kung nagkaroon ba sila ng relasyon. “Wala pa. Marites lang ‘yon,” biro ng dating gobernador na sinabayan pa ng tawanan.

advertisement

Nilinaw din ng dalawa na matagal na silang magkaibigan at malapit si Chavit sa pamilya ni Yen. Ayon pa sa negosyante, “officially single” siya matapos pumanaw ang kanyang asawa.

Pinutol din nila ang haka-haka tungkol kay Yan Yan—ang batang idinadawit sa tsismis. “Guys, hindi po namin ‘yon anak. Kapatid ko ‘yon, at ninong siya no’n,” paliwanag ni Yen.

Sa huli, sinabi ni Chavit na ngayon lang daw siya nahirapang sumagot sa mga tanong, sabay tawanan nilang dalawa.

11 years old na si Yan Yan at mahigit isang dekada na ring umiikot ang tsismis na ito. Ang haba ng pasensya ng mga Marites, ‘di ba?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...