Copyright ©2026 Yes FM
Yen Santos, itinangging may anak sila ni Chavit Singson
Yen Santos, itinangging may anak sila ni Chavit Singson
July 24, 2025

Diretsahan nang sinagot ng aktres sa kanyang vlog ang kumakalat na tsismis tungkol sa anak daw nila ni Ilocos Sur Governor na si Chavit Singson!

Sa pinakaunang episode ng vlog ni Yen na ang title ay, "Questions I Am Desperate to Answer," ipinaliwanag ni Yen na hindi raw totoo na ang batang lalaki na nakitang kasama niya ay anak nila ni Chavit Singson.

advertisement

"Hindi namin 'yon anak, kapatid ko po 'yon," paglilinaw ni Yen. Siya raw ang pinakabunsong kaptid niya sa kanilang tatlong magkakapatid. Sabe?! Eh, bakit ang tagal nilinaw? EME!

Chika niya pa ay hindi niya raw kasi ugaling mag-correct ng mga tao kaya pinalampas niya na lang kahit noong una ay na-hu-hurt daw siya dahil nadadamay 'yung kapatid niya.

"Magsasalita ba 'ko? Ipagtatanggol ko ba 'yung sarili ko? Eh, kapatid ko naman talaga 'yon, eh," sabi pa niya. Ganurnt!

Family friend lang daw talaga si Chavit Singson sa kanila, at ninong pa nga raw siya ng kapatid niya, so paano raw nila magiging anak 'yon? 🤣 Wow, mali!

Sa tingin niyo, YesPren, kapatid nga ba talaga 'yon ni Yen o may tinatago pa siyang kwento? 🤔

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...