Copyright ©2026 Yes FM
Yes! FM DJs at Blogapalooza influencers, magsasama-sama sa KOLab 2025
Yes! FM DJs at Blogapalooza influencers, magsasama-sama sa KOLab 2025
August 28, 2025

YesPren, ready na ba kayo? Mas magiging makulay, maingay, at masaya ang 2025 dahil sa MBC KOLab Experience!

Nagsimula noong July at tuloy-tuloy hanggang September, makikipagkulitan ang mga piling Blogapalooza influencer sa iba’t ibang specialized studios ng MBC Media Group tulad ng Yes! FM, Love Radio, Easy Rock, DZRH, Radyo Natin, DZRH Drama, DZRH TV, at MBC Digital. Dito, personal silang sasalubungin ng mga DJ para ipakilala ang creative culture at rich history ng MBC, pati na rin kung paano nabubuo ang mga programang paborito ng libo-libong listeners at viewers sa buong bansa.

advertisement

Pero teka, hindi lang ’yan…

Sa dulo ng MBC KOLab Experience, isang GRAND fan event ang magaganap kung saan 80+ content creators ang magsasama-sama para sa isang ultimate celebration! Asahan niyo ang kulitan, games, at bonggang surprises na siguradong hindi niyo malilimutan.

At s’yempre, hindi magiging posible ito kung wala ang suporta ng aming partners: Dunkin’, Coca-Cola, BingoPlus, ArenaPlus, GameZone, Ayala Malls Market! Market!, Tigas Tito Clothing, KYCO, Four Thirteen Blend, Sugar Crest, at The Wedding Library’s Bridal Fair.

Kaya abang-abang na, YesPren!

’Wag palampasin ang pinakamalaking fan at content creator meet ng taon—dahil dito, siguradong lahat ay bida!

On-air, online, on ground. KOLab is a playground for all!

#MBCKOLabExperience
#LetsKOLab
#KOLab2025
#KOLabPlaygroundForAll

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...