Copyright ©2026 Yes FM
Yes! FM DJs, nag-ibang anyo para manakot ngayong Halloween
Yes! FM DJs, nag-ibang anyo para manakot ngayong Halloween
November 3, 2025

Sure ka na bang matapang ka, YesPren? Sigurado kasing babangungutin ka sa mapapanood mo! Hahaha! Pinamagatang ‘The Walking Dead Air’ ang Halloween contest ngayong taon, at siyempre, ‘di nagpatalo ang mga kontesero’t konteserang Yes! FM DJ niyo.

advertisement

Dahil ang theme ay “mga bagay na nakakatakot para sa’yo,” binigyan tayo ng ibang klaseng atake ng YesPren DJs. Unang-una rito ang kinatatakutan ng mga kabataan–ang kanilang inang nagwawala na! Gumanap si Sexy Megan bilang nanay na galit na galit sa kaniyang anak na pasaway. Sindak galore talaga basta humihiyaw na si Mother!

Next naman na kandidatong sumalang ay si Biboy Bibo. Bukod sa takot ng mga bata sa kanilang mga magulang, may isa pa silang kinakatakutan–ang mabuntis! Hahaha! Ang mahiwagang tanong ni Biboy Bibo: “Buntis o chismis?” Sagot naman ng kaniyang pregnancy test costume, positive!

Panghuli ay ang nagwagi for today’s video, ang nag-iisang “Judith” na si Lyka Barista! Sino ba naman kasing ‘di matatakot sa due date ng bills, ‘di ba? Buwan-buwan dumarating para limasin ang laman ng mga wallet natin! Hahaha!

Kung gusto niyong mapanood ang buong rampa nila, nasa Yes! FM Manila YouTube channel ang full video!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...