advertisement
At dinamihan na rin namin para kung saan-saan ninyo sila puwedeng makita! Hanggang sa maumay kayo! HAHAHA! At least, hindi na kayo magtatanong kung totoo bang tao ang mga boses na naririnig ninyo sa radyo at hindi AI! HAHAHA, CHARING LANG, YESPREN!
Ang lahat ng ito ay malaking pasasalamat namin sa inyong mainit at tuloy-tuloy na suporta! Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumalakas at mas marami pang lugar ang naaabot ng Yes! FM. Kaya sa bawat pakikinig, pakikisaya, at pagsuporta ninyo, MARAMING-MARAMING SALAMAT! Luv na luv namin kayo, YesPren! AYIEEEEE!
Sa sobrang suporta ninyo, baka mamaya kumatok na kami sa bahay-bahay habang namimigay ng flyers, may pa-lugaw at may pa-trompa?! HAHAHA! KANDIDATO NA PALA?! EME!
Para ito sa inyong lahat, YesPren! Kaya tuloy-tuloy lang ang kulitan, tawanan, at good vibes! Dahil saan ka man magpunta, basta Yes! FM, SOLID!
Yes! FM DJs, nasa billboard na?! Hindi lang isa kun'di pito!
Dati, nasa likod lang ng bus ang mga fez ng ating Yes FM DJs, ngayon, tinodo na nila ang level up! Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kun’di pito ang billboard na makikita ninyo! Hanapin n'yo, YesPren, kung saan! HAHAHA! Baka mamaya, andiyan na pala sila sa kanto ninyo!
Pina-print na namin nang MALAKI ang mga mukha nina DJ Sexy Megan, Rico Panyero, Biboy Bibo, Ganda Wanda, Maria Morena, at Lyka Barista para naman hindi niyo na lang sila naririnig sa radyo, napapanood online, makikita niyo na rin sa daan kung gaano sila ka-fresh! OH, DIBA?! Fresh na fresh, parang bagong huling isda! CHAROT!
