advertisement
“Na para bang Darna!”, ‘yan ang peg ni Lyka Barista sa kanyang fierce at superpower-level na MET Gala look.
Samantala, bongga rin ang atake ni Maria Morena na may temang “MET Gala: Flores de Mayo Edition”, suot ang kanyang mala-reynang AI gown na talagang agaw-eksena!
Pero teka… may mas aangat pa ba? Aba, oo naman!
Panalo sa puso ng mga Yespren si Marsian! “Pakak na pakak ang awrahan! Bewang pa lang, panalo na!”, ayon sa netizen na si Lerma Juarez. Talagang hindi nagpahuli ang YES! FM DJs pagdating sa paandar at saya, kahit MET Gala pa ‘yan! Sa YES! FM, kahit online lang, rumarampa pa rin ang saya!

