advertisement
Gusto kasi namin ay kahit saang kasulok-sulokan na kaya naming maaabot sa bansa ay talagang ma-e-extend namin ang pagpapasaya at pamimigay ng regalo sa inyo!
Magkakaroon muli ng Shopper's Bazaar para sa iba't ibang kabudolan kasi alam naman naming 'yan ang mga gusto niyo! 'Yung naghahanap kayo ng pagkakagastusan. Chariz!
Mayroon ding Zumba para sa mga Zumba warriors natin diyan, siyempre! Pagkatapos naman ng matinding sayawan, malupitang kantahan naman mula sa mga kontesera't konteserong residente sa Brgy. 185 sa Caloocan City!
At tuloy-tuloy na ang tugstugan hanggang gabi dahil may pa-LIBRENG concert tayo! Makakasama natin ang The April Boys 2, Route XYZ, si Luke Mejares, at sina Mitoy Yonting & The Draybers! SOLID na sing along na naman 'to, mga YesPren!
But wait, there's MORE! May mga pa-raffle, palaro, at papremyo rin tayo sa mga YesPren na pupunta! Kaya pumunta ka, ha? Baka ikaw na ang lucky WINNNER sa ating FiYESta!
Kita-kits sa Malaria Covered Court, Brgy. 185, Caloocan City on August 15, 2026, mga YesPren! Excited na kami mag-party-party muli! 
Yes! FM Manila, dadalhin ang pangalawang FiYESta sa Caloocan kasama sina Luke Mejares, Mitoy Yonting, at marami pang ibang OPM artists!
CALOOCAN, READY NA BA KAYO SA ISANG SOLID NA fiYESta?!
Para sa ating pangalawang leg ng FiYESta, mambubulabog naman kami sa mga YesPren natin diyan sa Caloocan! Nabitin kasi ang Yes! FM DJs sa concert tour nila, eh. CONCERT TOUR?! Na para bang sila ang may album na i-pro-promote. Hahaha!
