advertisement
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Lyka Barista ang good news kasama ang nakakatawang caption na, “Wala kang mararating… Excuse me, paikot-ikot na kami sa kalsada! Charot. НАНАНА!” Over naman sa flex, beh? Charot!
Siyempre, hindi mawawala ang kilig moment para sa solid YesPrens natin. Hinikayat pa ni Lyka ang lahat na kapag nakita raw ang mukha ng Yes! FM DJs sa Victory Liner bus, mag-selfie kasama ito, at i-PM sa kanila.
Walang premyo, pero at least, may shoutout na kasama ‘to! Hahaha!
Yes! FM Manila DJs, bida sa kalsada
Solid na main character energy ang hatid ng Yes! FM Manila DJs ngayong 2026! Kung nitong nakaraan ay si DJ Biboy Bibo pa lang ang namataan sa kalsada, ngayon, kumpleto na ang YesPren DJs niyo!
