Copyright ©2026 Yes FM
Yes FM, may ₱1000 giveaway 100 days before Christmas
Yes FM, may ₱1000 giveaway 100 days before Christmas
September 18, 2025

Bakit pa natin hihintayin ang Pasko, kung ngayon pa lang, pwede ka nang makatanggap ng aguinaldo? Walang halong eme, YesPren, dahil simula September 16 hanggang December 24, mamimigay kami ng ₱1000 sa masusuwerte nating YesPren!

Hindi mo kailangang kumanta, sumayaw, o ano pang exhibition. Ang gagawin mo lang ay makinig sa amin sa radyo, mobile app, o website at abangan ang hihingiin nina Rico Panyero, Sexy Megan, Maria Morena, Lyka Barista, Ganda Wanda, at Biboy Bibo, at kapag ikaw ang napili, sa’yo na ang malutong na ₱1000!



Panalo ka talaga ’pag SOLID YesPren ka! Nalibang ka na nga sa pakikinig sa mga kanta at chika, naaliw ka pa sa mga papremyo. Kaya kung kami sa inyo, siguruhin niyong nasa 101.1 Yes! FM ang mga radyo niyo sa bahay at opisina, at kung nasa labas, nakabukas ang Yes! FM mobile app.

advertisement

Ramdam naming matindi ang pangangailangan mo. Hindi uso ang hiya rito. Sali na! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...