Copyright ©2026 Yes FM
Yes! FM, namimigay ng libreng GAS?!
Yes! FM, namimigay ng libreng GAS?!
April 16, 2026

SINONG 'Y' ANG NAMIMIGAY NG LIBRENG GAS? Eh 'di, Yes! FM Manila! Sa taas ng presyo ng langis ngayon, may mumunting paraan din ang Yes! FM para matulungan ang ating mga YesPren na motorista!

Nagpasaya tayo ng mga YesPren sa Quezon City at namigay ng libreng langis sa pamamagitan ng ating OH MY GAS! Campaign! Dinagsa tayo ng mga tricycle driver, jeepney driver, motorcycle driver, at kahit 'yung mga YesPren nating may pribadong sasakyan! Hindi naman masyadong halata na umaaray na tayo sa langis, ano? HUHU!

advertisement

Kada buwan po namin gagawin ito sa iba't ibang panig ng 'Pinas na aming abot-kaya! Kaya abangan niyo lang ang Yes! FM sa inyong pinakamalapit na gas station at baka ikaw na ang susunod na winner ng libreng langis! Mapapa-OH MY GAS ka talaga!

Panoorin niyo ang kasiyahan at kakulitan ng mga paborito niyong YesPren sa ating OH MY GAS papremyo:

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...