Copyright ©2026 Yes FM
Yes My Love, ‘di raw sumisikat dahil puro song covers lang ang ginagawa?!
Yes My Love, ‘di raw sumisikat dahil puro song covers lang ang ginagawa?!
December 6, 2025

Panibagong issue na naman ang pinulutan sa latest episode ng HANGOVER! Nitong December 4, naka-bonding natin ang Filipino boy group na Yes My Love. Siyempre, ‘di kumpleto ang chikahan kung walang kasamang mainit-init na tanungan! Bilang Marites ng bayan, tinanong natin kung ano nga bang totoong ganap ng Yes My Love dahil napansin na ng netizens na puro raw song cover ang ginagawa nila! Nagmumukha raw tuloy silang “cover group” na walang originality. Over naman sa judge, ‘di ba? Hahaha!

advertisement

Dahil ayaw magpakabog ng Yes My Love sa kanilang bashers, sinagot nila ang issue na ito. Sabi ni Josh, “A lot of artists in the Philippines prospered because of [song covers]. Even ngayon, ‘di ba? Ang daming na-revive na hit songs because of younger artists. So, I don’t think it’s necessarily a bad thing. We actually have originals, but doing covers is a strategic way to get our names out there. As much as we hate to say it, the industry works in numbers.”

Na para bang nakasalang sa Miss Universe stage ang sagutan nila. Hahaha! Napaka-issue niyo kasi, eh! Chareng! Kung bitin pa kayo sa ganiyang linyahan, pumunta na kayo sa HANGOVER YouTube channel at panoorin ang full episode ng Yes My Love.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...