Zsa Zsa Padilla at ilan pang artista, nagbigay ng tulong at dasal para sa mga biktima ng Cebu earthquake
Sa isang malakas at mapinsalang lindol natapos ang September para sa ating mga YesPren sa Cebu. Noong September 30, niyanig ng 6.9-magnitude earthquake ang probinsya.
Isinailalim ang lugar sa state of calamity. Agad namang bumuhos ang tulong at dasal para sa mga Cebuano. Noong October 1, nagtungo ang singer na si Zsa Zsa Padilla sa relief center ng probinsya upang magbigay ng ready-to-eat food packs at bottled water para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Nag-post din si Zsa Zsa sa kaniyang Instagram upang humingi ng karagdagang donasyon, partikular na pagkain, tubig, at tents.
Nagpahayag din ng kanilang simpatya sina Janine Berdin, Ellen Adarna, at Manilyn Reynes. Nagpaalala naman si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na mag-ingat ang lahat dahil sa posibilidad ng aftershocks.
Ipagdarasal din namin ang inyong pagbangon, mga YesPren! 🙏