DJ Jellie Aw, nakipagbalikan daw kay Jam Ignacio matapos ang issue ng physical abuse
Trigger Warning: Ang balitang ito ay may sensitibong nilalaman tungkol sa physical abuse at domestic violence. Mag-ingat sa pagbabasa.
Mabilis pa sa mga chismosang nakaabang sa bintana ang pagpansin ng netizens sa buhay nina DJ Jellie Aw at Jam Ignacio. Matapos kasi ang literal na masakit nilang paghihiwalay, tila may balikan daw na naganap?
Sumiklab ang chikang 'to nang mag-post si Jam ng picture ni Jellie sa kaniyang Instagram stories. “Shoutout sa [taong] hindi ako iniwan. Alam mo ‘yan kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita,” say ni Jam sa post.
Agad namang naglabas ng statement ang DJ at sinabing, "[Kakatawa! Dami niyong time] sa buhay ko[!😂 Kung si] Lord nga nagpapatawad, what more pa na tayong anak [niya] lang?"
Inulan naman ng komento ang post. Deadma naman si Jellie at sinabihan ang mga commenter na kumalma lang at buhay pa raw siya. Slay ka, Mhie!
Matatandaang ilang buwan pa lang ang nakalipas nang bulagain ni Jellie ang social media tungkol sa alegasyon nang physical abuse ng kaniyang jowa na si Jam. Nag-share pa siya ng photos.
Andito 'yung
chika, basahin niyo na lang ulit! Hahaha!